Public Posts

Thursday, April 7, 2016

Pananaliksik: Akademik Performans ng mga Piling Mag - Aaral ng Special Program in Sports sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union Taong Panuruan 2014 - 2015

Akademikong Performans ng mga  piling mag-aaral sa Special Program  in Sports sa Pambansanng Mataas na Paaralan ng La Union Taong Panuruan 2014 – 2015



Isang Pamanahong-papel na Iniharap sa Kaguruan ng
Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng mga Sining at
Agham, Edukasyong Pagguro at Impormasyong
Panteknolohiya,Kolehyo ng San Luis






Bilang pagtupad sa Isa sa mga pangangailangan ng Sabjek
Na Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik





nina:


Carla Joy F. Flores
John Ken R. Francisco
Joe Vincent T. Matro
Dither H. Salazar
Aniway S. Seb-at
Kaye Tien I. Uson



Marso,2016


Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. INTRODUKSYON:
          Mula sa panahong tinatawag na “enlightenment” hanggang ngayong ika – dalawandaang siglo, binibigyang diin ng edukasyon ang pangkaisipang pag-unlad ng tao. Ito ay inihahayag sa mga natural na laro o mga organisadong aktibidad gaya ng gymnastics at isports. Ang layunin ng mga ganitong programa ay hasain ang katawan para sa karagdagang ikabubuti ng pangkaisipang pag-unlad ng tao (Kirchner, 2005).
          Ang palakasan ay isang pangunahing aktibidad ng bawat paaralan sa mundo gaya lamang ng California University at Chicago University. Sa Pilipinas, ito ay isang mahalagang aktibidad sa bawat paaralan, pampubliko man o pribadong institusyon. Ito ay nilalahukan ng mga mag-aaral dahil  ito ay parte sa kurikulum ng Special Program in Sports (Rimm, 2009).
          Bilang pagpapalakas at pagpapabuti sa kalidad ng pagtuturo at performans ng mga talentadong mag-aaral ng paaralang pang-sekundarya, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpatupad ng Special Program for the Arts (SPA) at Special Program in Sports (SPS) simula 2000 sa mga piling pampublikong pang-sekundarya sa buong bansa. Ang mga paaralang naghahandog ng SPA at SPS Program ay naglalaan ng oportunidad  sa mga  mag-aaral ng hayskul na may mataas na hilig at potensyal sa sining at isport (DepEd).
          Mula sa higit isandaang paaralang pang-sekondarya sa Pilipinas, isa ang Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union sa mga paaralang nagpapatupad ng Special Program in Sports na nilalahukan ng mga atletang tunay ngang natatangi ang kanilang husay sa larangan ng laro.
          Ayon kay Dumuk (2006), itinatag ang Sports Class Program sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union noong 1998 upang maglaan ng oportunidad sa mga mag-aaral na may talento sa isport nang wala silang sinasakripisyong akademiks. Ngayon ay kilala na ang programang ito bilang Special Program in Sports at patuloy na humuhubog ng mga mag-aaral na may dedikasyon at pagmamahal sa isport.
         Ang libangan o isports ay nagbibigay ng maraming oportunidad para sa mga tao upang mas higit na magamit ang kanilang kakayahan, upang maging bahagi ng isang nakikiisang grupong nagpupunyagi, upang maranasan ang tuwa, at kung minsan ang lungkot sa pagkapanalo at pagkatalo. At karagdagan pa, ang pakikipagpaligsahan ay simpleng nakakatuwa. Naghahanda ito sa mga indibidwal na harapin ang mga pagsubok sa buhay at upang matutong tumugon ng positibo sa pagharap sa hamon at pagbabago (Reeve, wp).
Ang mundo ng isports ay salamin kung paanong ang isa ay maaaring lumahok sa laro ng paaralan at buhay. Ang mga atleta’y naglalaro at binibigay ang kanilang husay manalo man o matalo. Dahil sa mga programang ganito sa paaralan, sila ay nasasanay sa kanilang isport at edukasyon, mga tungkol sa kabutihan ng buhay, sining, agham, negosyo at pamahalaan na nagdadawit ng tiyaga at disiplina sa sarili (Rimm, 2009).
          Sa panahon ngayon, napakaraming mag-aaral ang nawiwiling sumali sa mga programang pang-ekstra kurikular sa kani-kanilang mga paaralan katulad na lamang ng isport. Maraming maidudulot na epekto sa pag-aaral ang pagsali sa mga nasabing programa. Ito ay maaaring maging maganda dahil ito ay nakakatulong sa pag-aaral o di kaya’y maging masama dahil kung minsan ay nakakalimutan ng  mga mag-aaral ang kanilang prayoridad sa pag-aaral at dahil dito, napapabayaan na nila ang kanilang mga responsibilidad sa akademiko (Dy, et.al 2008).
           Ang isport ay isang gawain o interes na nagbibigay ng maraming mga positibong pagkakataon para sa mga bata. Gayunpaman, maaari rin itong maging sanhi ng ilang problema. Maraming mga magulang na naniniwala na ang pakikilahok sa isports ay siyang nagpapahusay at nagpapabuti sa pag-aaral ng bata habang ang iba ay naniniwala na ang isports ay paraan ng tagumpay ng kanilang mga anak (Rimm, 2009).
          Maraming epekto ang isport sa pag-aaral ng mga atleta, makabubuti man o nakakaabala. Ang pagiging kalahok sa Special Program in Sports ay hindi madali at nangangailangan ito ng tamang disiplina. Nararapat lamang na pag-aralan ang Akademik Performans ng mga mag-aaral sa nasabing programa nang sa gayon ay magkaroon ng kaalaman ang ibang mag-aaral na hindi madali at basta-basta ang buhay ng isang atleta.   

2. Layunin ng Pag-aaral
          Ang pamanahong papel na ito ay isinagawa upang malaman ang Akademik Performans ng mga piling mag-aaral sa Special Program in Sports ng Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union sa Taong Panuruan 2014 -2015.
Sinasagot nito ang mga sumusunod na katanungan:
Ø   Anu-ano ang larong pampalakasan na nilalahukan ng mga mag-aaral sa Special Program in Sports sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union?

Ø  Ano ang mga positibong epekto sa Akademikong Performans ng pagsali sa mga larong pampalakasan ng mga mag-aaral sa Special Program in Sports ng Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union Taong Panuruan 2014 -2015?


Ø  Ano ang mga Negatibong epekto sa Akademikong Performans ng pagsali sa mga larong pampalakasan ng mga mag-aaral sa Special Program in Sports ng Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union Taong Panuruan 2014 -2015?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral:
          Ang pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa Akademik Performans ng mga mag–aaral sa Special Program in Sports ng Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union.
Layunin nitong makatulong sa mga sumusunod:
Ø   Sa mga mag-aaral sa loob at labas ng Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union, ito ay magiging gabay sa kanila upang malaman ang ganap na sitwasyon sa pagiging isang atleta at estudyante.

Ø  Sa mga atletang mag-aaral, layunin ng pananaliksik na ito na ipaunawang mabuti ang maaaring maidulot ng pagsali sa isports sa akademik performans.

Ø  Sa mga guro na siyang nagsisilbing magulang sa paaralan ng mga mag-aaral, magiging mahalaga ito upang mabatid nila ang buhay ng isang mag-aaral na atleta at nang sila’y makapagbigay ng payo upang hindi maapektuhan ng isports ang akademik performans ng mga mag-aaral.

Ø  Sa mga mambabasa at mga mananaliksik sa hinaharap, magiging mabisang gabay ito upang matugunan ang kanilang mga katanungan hinggil sa isyung ito.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral:
          Saklaw ng pamanahong papel na ito ang Akademik Performans ng mga mag-aaral sa Special Program in Sports sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union sa Taong Panuruan 2014-2015.
          Kumakatawan dito ang 30 piling mag-aaral ng Special Program in Sports ng Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union sa Taong Panuruan 2014-2015. Tinatalakay lamang dito ang mga linalahukang isports ng mga mag-aaral sa nasabing programa at mga positibo at negatibong epekto ng kanilang pagsali sa mga pampalakasang aktibidad sa akademik performans nila. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
          Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel na ito:
Paligsahan/Kompetisyon. Ito ay tumutukoy sa isang patimpalak na  kung saan nangangailangan ng mataas na lebel ng pag-eensayo at may nagsusumikap manalo.
Sportmanship.Isang magandang pag-uugali sa isang laro. Nagaganap ang isang pagtanggap at pagrespeto sa kalaban at sa resulta ng laro.
Akademik Performans.Sumusukat sa kakayahan at abilidad ng bawat mag-aaral sa loob ng silid-aralan.
Akademiks. Ito ay parte ng kurikulum at mga leksyon na tinututukan ng mga mag-aaral.
Isports. Ang mga laro o pampalakasan na nangangailangan ng galing, pisikal at mental na lakas ng bawat indibidwal.





















Kabanata II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

 Dalawang mundo ang ginagalawan at inaasahang pagtagumpayan ng isang estudyanteng atleta: ang mundo ng kompetisyon sa kaniyang larangan at ang mundo sa loob ng silid-aralan. Tahanan para sa higit 400 estudyanteng manlalaro ang Unibersidad. Inaasahan mula sa kanila ang parehong pagsisikap sa silid-aralan at husay sa paglalaro upang makapagbigay karangalan sa kanilang paaralan (Luzano, 2008).
Ang paaralan ay naglalaan ng oportunidad sa bawat bata upang mapaunlad ang mental, pisikal at sosyal na potensyal nila nang sa gayon, sila ay maging aktibong miyembro ng samahan na kinabibilangan nila. Ang gawaing ito ay isinasalin sa mga programa sa pamamagitan ng mga aral o turo na pauunlarin sa bawat indibidwal bilang kapasidad ng pisikal at sikolohikal na gawain na maaari nitong panangga sa pagharap sa nagbabago at mapanghamong lipunan (Kirchner, 2005).
Sa kabilang banda, ayon kay Guillermo (2015), hindi sapat ang katalinuhang dulot ng mga leksyon kung hindi balanse at produktibo ang isang estudyante sa paraang nararapat niyang maipamahagi  at mapaunlad ang kaniyang natatanging kakayahan at talento. Ang kaalaman na kinabibilangan ng isang mag-aaral ay hindi lamang saklaw ng apat na sulok ng silid kundi maging sa labas ng paaralan. Dito pumapasok ang usapin patungkol sa mga paligsahan o ang tinatawag na “School Activities”.
Hindi lahat sa atin ay alam ang kahalagahan ng palakasan. Halos lahat ng tao ay naniniwalang ang mga laro ay isa lamang pisikal na aktibidad at karamihan ay hindi alam kung mahalaga ba ito sa edukasyon. Sa katunayan, halos lahat ay iniisip na ang isports ay isang distraksyon na siyang naglalayo sa atin sa mga akademikong layunin at responsibilidad. Sa realidad, ang isport ay higit pa sa pisikal na aktibidad na siyang kumukuha ng atensyon ng mga bata. Ito ay may mahalagang katayuan sa edukasyon at sa pagpapaunlad ng kaalaman (Wilson, 2012).
Ayon kay Rimm (2009), ang pakikilahok sa mga laro ay nagbibigay ng mga patnubay na maaaring pangkalahatan sa silid aralan at habambuhay na tagumpay. Ang paglahok sa mga mahirap na paligsahan sa isport sa paaralan ay nagtuturo sa mga bata sa pag-andar sa isang mapagkumpitensyang lipunan. Ang ating lipunan ay mapagkumpetensya, sa pagsali sa mga ganitong gawain ay naituturo sa mga anak kung paano makipagsabayan sa kompetisyon at kung paano manalo at mawalan. Nalalaman ng mga bata na ang pagkapanalo at pagkawala ay parehong pansamantala at hindi maaaring magdulot ng kawalan ng pag-asa.
Ang pakikilahok sa mga programang pampalakasan ay humihimok upang matuto ang isang atleta ng mga patakaran, regulasyon at awtoridad. Bukod dito, ang bawat miyembro rin ng isang koponan ay natututo kung paano maging mas responsable at may pananagutan sa pagtulong sa bawat miyembro  sa mga pangangailangan kung saan ang grado ay nakataya. Nakatutulong din ang pampalakasan na gawing magandang ehemplo ang bawat miyembrong kasapi dahil sila ay nagiging tagahimok ng bawat isa tungo sa isang maayos na akademikong hangarin (Wilson, 2012).
Ayon kay Wilson (2012), pinapalakas ng isport ang kompiyansa sa sarili ng bawat manlalaro. Kung ang isang tao ay mahusay sa isang bagay, paniguradong makakamit niya rin ang kompiyansa sa iba pang larangan. Halimbawa, ang isang taong magaling sa basketbol ay paniguradong may tiwala sa sarili na kaya niyang ipasa ang pagsusulit. Ang katiyakan ay magdadala ng positibong resulta. Binanggit niya rin na ang isport ay nakadaragdag ng kasiyahan. Ang mga tinatawag na “looner” sa paaralan ay katamtaman lamang ang katayuan sa silid-aralan ngunit ng makakilala sila ng mga kalaro – mga bagong kaibigan – sila ay unti-unting naging komportable  sa pakikipagkapwa-tao. At bilang resulta rin, nagagawa na ng mga estudyante na pag-igihan ang kanilang pag-aaral. Nakadaragdag din daw ito ng enerhiya at nakakapagpababa ng depresyon. Ayon sa kanyang pag-aaral , nakakatulong ang mga pisikal na aktibidad sa kalusugan ng mga tao at pagtaas ng kanilang enerhiya. Ito ay nakakatulong din sa pagtaas ng endorphins sa katawan kaya nagiging masaya at maganda ang kalagayan ng kalooban ng isang tao. Ang kalagayan din na ito ay ang pinakamagandang patnubay sa pag-aaral. Sa sikolohikal na pag-unlad naman, napag-alaman niya mula sa kanyang pag-aaral na napapabilis ng motor skills ang pagproseso ng utak ng isang atleta. Napapaunlad ang kanilang pag-iisip tuwing sinasagawa nila ang kanilang pisikal na aktibidad. Ayon rin sa kanya, ang pagsali ng isang mag-aaral sa mga laro ay pagbibigay ng oportunidad sa sarili ng makitang lubusan ang mundo lalo na kung ang kompetisyon na sinalihan ay pang internasyonal. Sa kompetisyon, nakakakilala sila ng mga bagong tao, sa kabilang banda’y nakakakalap  rin sila ng mga kaalaman tungkol sa kanilang kultura, tradisyon, at pamumuhay.
Ayon kay Eugenio (2014), sa pakikipaglaro natin sa labas ng ating bahay ay natututuhan natin ang iba’t-ibang ugali na mayroon ang mga tao. Mayroon sa kanila ang madaling maging kaibigan, mga batang matulungin, mga batang hindi nagsasawang magturo sa atin ng maraming bagay na hindi pa natin alam. Mayroon din namang mga kalarong ayaw tumanggap ng pagkatalo, kahit na sila ay mandaya pa ay ipinipilit pa rin nila na sila ang tama. Sa mura pa lamang nating edad ay nagkakaroon na tayo ng pagkakataon na maranasan ang iba’t-ibang ugali ng tao na maaari nating makasalamuha sa ating paglaki. Ang mga pag-uugaling ito ay madadala natin sa iba’t-ibang aspeto sa buhay, pati na rin sa ating performans sa paaralan.
Dahil sa mga Sports Program sa paaralan, maraming mga kabataan ang nadiskubre ang kanilang mga sarili, na sila ay mas mahusay ng higit pa sa alam nila at sa pinapangarap ng mga magulang nila dahil itinataya nila ang lahat para lamang sa pag-eensayo sa mga inaakala nilang kahinaan nila (Rimm, 2009). Maraming mga atleta ngayon ang inakalang hindi sila marunong maglaro, na sila’y lampa at hindi kayang makipagsabayan sa kapasidad na nagagawa ng ibang tao. Ngunit ng dahil sa programang ito, nadiskubre nilang may kakayahan pala sila, na may ibubuga rin pala sila kahit paano.
Nais ng mga guro at magulang ang kanilang mga estudyante’t anak na gawin nila ang mga bagay na mahusay sila at nirerespeto sila sa kanilang mga pagsusumikap. Ang karanasang manalo ng isang tropeo mula sa isang laro ay isang napakagandang alaalang mababaon, makukuhanan ng larawan, maipagdiriwang kasama ang mga kakampi sa laro at isang tropeong maiuuwi sa tahanan at maipagmamalaki ng mga magulang. Ito’y nagpapakita na isa itong bunga ng pagsusumikap, pakikipagpaligsahan, pagtutulungan ng grupo at isang ambisyong natupad - mga pag-uugaling makatutulong upang magtagumpay din sa akademiko at buhay (Haydon, 2014).
Ang mga aktibidad katulad ng isport ay interesado sa pagbibigay ng maraming positibong oportunidad sa mga bata. Bagamat, may maibibigay pa rin itong problema. Maraming magulang ang naniniwala na ang pakikilahok sa paligsahan ng kanilang mga anak ay makakatulong sa paghubog ng isang magandang halimbawa ng pag-aaral habang ang iba’y naniniwala na ang mga palaro ay isang hadlang sa pag-unlad ng kanilang mga anak (Rimm, 2009).
Hindi lingid sa nakararami na nakadikit na sa mga atleta ang impresyon na hindi nila kayang dalhin ang galing nila sa kompetisyon sa loob ng silid-aralan. Tulad ng mga ordinaryong mag-aaral, hindi mapalad ang lahat ng mga atletang magtagumpay sa larangang akademiko (Luzano, 2008).
Ayon kay Sibor sa pagbanggit ni Luzano (2008), bagamat hindi biro ang pagsabayin ang pagiging estudyante at pagiging atleta, pumasok sila sa Unibersidad, una sa lahat, bilang mga estudyante.
Ayon kay Rimm(2009), ang paglahok sa isport ay nagiging sanhi ng mga problema sa mga bata,higit sa lahat,kapag ito ay nagiging masyadong “marami ng magandang bagay”. Ang paglahok sa mga laro ay pinaprayoridad na mas mahalaga kaysa pag-aaral ng alinman sa turo ng mga magulang. Pagkatapos ng pag-eensayo, natutulog o di kaya’y naglalaan na lang ng maraming oras sa panonood ng TV ang mga bata at maliit na oras na lamang ang natitira upang bumuo ng akademikong kagalingan o iba pang interes. Inaakala ng mga bata na maaari silang maging propesyonal na atleta ng walang kasanayan at pagsasanay na kinakailangan o ng kompetisyon na matugunan kaya sinasara nila ang pinto sa iba pang pagkakataon para sa kanilang mga sarili katulad ng pag-aaral. Ang isports para sa kanila ay masaya, isang balanseng paraan at hindi kumukuha ng higit sa buhay ng mga bata. Sila ay naniniwalang may mahusay silang potensyal para sa paggawa ng mga kontribusyon sa habambuhay na tagumpay kaya naisasantabi na nila ang pag-aaral. Ayon pa sa kanya, ang isports ay tulad ng karamihan sa iba pang mga interes. Ito ay nangingibabaw sa buhay ng mga atleta, pumipigil ito sa mga mag-aaral sa pagtupad ng mas maraming mahalagang layunin. Dagdag pa niya’y hindi kapani-paniwalang walang pinsalang maidudulot ang kompetisyon, hindi maiiwasan na kahit pinakamahusay na atleta ay nagkaproblema sa karerang kanilang pinili.
Hindi maaaring itanggi na may mangilan-ngilang atleta ang hindi kayang tumupad sa kanilang mga responsibilidad bilang estudyante. Dalawang bagay daw umano ang kadalasang nagiging problema ng ilan sa mga estudyanteng atleta: atendans at performans. Ngunit ayon kay Antonio Tobias sa pagbanggit ni Luzano (2008), disiplina lamang ang kailangan. Hindi pwedeng gawing dahilan ang isports sa pag-aaral dahil una sa lahat, bahagi naman talaga ng pag-aaral ang isport. Dagdag pa niya, dapat matutunan ng mga atleta ang tamang pakikiharap sa kanilang mga gawain at responsibilidad bilang mga estudyante. Kung kailangan nilang lumiban, dapat sabihin nila sa guro ng mas maaga at kung sakaling wala sila sa klase, hindi dapat ipadama sa mga atletang ito na iba sila o di kaya’y mas nakalalamang sila sa karamihan upang maiwasan ang showbiz complex na siyang nabubuong persepsyon ng ilan sa kanila. Huwag natin silang tratuhin na parang isang bituin pero huwag din nating sabihin na mahina sila. Sa usapin naman ng espesyal na pagtrato, kailangan man nila ng kaunting konsiderasyon, hindi ito nangangahulugang humihingi sila ng espesyal na pagtrato sa klase. Nararapat lamang rin na pagtuunan ng mga atleta ang kanilang pag-aaral. Dapat hindi lang konsiderasyon kundi notes ang ibigay ng guro sa mga atleta upang hindi bumagsak ang mga akademiks nila at ng may matutuhan pa rin sila (Luzano, 2008).



                          Kabanata III
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
1. Disenyo ng Panaliksik
              Ang pag–aaral na ito ay isinagawa sa paraang deskriptiv. Pinakapangunahing layunin ng paggamit ng deskriptiv na disenyo ng pananaliksik na ilarawan ang kapaligiran sa kasalukuyang pangyayari at alamin ang sanhi ng partikular na kaganapan. Ang disenyong ito ay inuugnay rin sa mga elemento ng pag–uunawa o kahalagahan ng paksang tinatalakay.
2. Mga Respondente
              Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay tatlumpong (30) mag–aaral na nasa Special Program in Sports sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union sa Taong Panuruan 2014–2015.

3. Instrumento ng Pananaliksik
              Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsarvey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarvey-kwestyoneyr na siyang ginamit sa pananaliksik bilang instrumento upang makalap ang mga datos kaya nasuri ang assessment at ebalwasyon, abentahe at disabentahe, at epekto sa Akademik Performans ng mga mag–aaral ng Special Program in Sports na gawain ng mga respondente.

               Ang mga mananaliksik ay nangalap din ng mga impormasyon sa internet, libro at sa iba pang referens na maaaring mapaghanguan.
4. Tritment ng mga Datos
            Pag-tally at pagkuha lamang ng porsyento ang ginawa ng mga mananaliksik sa pag–aaral na ito. Hindi sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan sapagkat’t ito’y panimulang pag–aaral lamang.


















KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Natuklasan sa pag–aaral na ito ang mga sumusunod:
Inalam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa mga nilahukan nilang isport. Apatnapu’t pitong porsyento (47%) ang pumili sa kategoryang “outdoor games”; apatnapu’t pitong porsyento (47%) ang sa “indoor games”; tatlong porsyento (3%) ang sa “throwing games” at tatlong porsyento (3%) naman sa “mind games”.
Pansinin ang kasunod na graf:
Graf 1

   Hinggil naman sa anong uri ng palaro sila napapabilang, apatnapu’t dalawang porsyento (42%) ang sumagot ng Intramurals; dalawampu’t walong porsyento (28%) naman ang sa Palarong Panlunsod; dalawampu’t walong porsyento







(28%) ang sa Palarong Panrehiyon at dalawang porsyento (2%) naman ang sumagot ng Palarong Pambansa.
Pansinin ang kasunod na graf:

Graf 2

Hinggil sa dahilan ng pagsali sa isport, animnapu’t isang porsyento (61%) ang nagsabing ito’y dahil sa scholarship; labin-dalawang porsyento (12%) ang sa karagdagang puntos; dalawampu’t apat na porsyento (24%) ang pumili ng libangan at tatlong porsyento (3%) ang sa pagiging popular sa paaralan.

Graf 3

Sa aspeto naman kung ano ang madalas na naaapektuhan dahil sa pagiging atleta, tatlumpu’t dalawang porsyento (32%) ang sumagot ng atendans; tatlumpu’t dalawang porsyento (32%) muli sa paggawa ng mga asayment at proyekto; labing – apat na porsyento (14%) ang sa pagrerebyu para sa mga pagsusulit at dalawampu’t dalawang porsyento (22%) naman ang sa pakikinig ng leksyon.
Graf 4
Sa 30 na respondente na sumagot kung ano ang estado ng kanilang Akademik Performans bilang isang atleta, anim na porsyento (6%) ang sumagot na sila ay bumabagsak dahil maliban sa laging wala sa klase ay wala pa silang natututunan; labinlimang porsyento (15%) naman ang nagsabing mababa ang kanilang marka dahil nahihirapang pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro; apatnapu’t walong porsyento (48%) ang nagsabing sakto lamang ang grado nila dahil binibigyang konsiderasyon ang pagiging atleta nila at tatlumpu’t porsyento (30%) naman ang nagsabing mataas ang marka nila dahil nababalanse nila ang  oras nila sa akademik man o isport.
Pansinin ang kasunod na graf:
Graf 5
     Hinggil sa isinasagawang paraan upang makahabol sa mga leksyon sa klase, tatlumpu’t walong porsyento (38%) ang lumalapit sa guro;(38%) tatlumpu’t walong porsyento rin ang nagtatanong sa mga kaklase; labing-anim na porsyento (16%) naman ang nagsasagawa ng sariling pananaliksik sa leksyon at walong porsyento (8%) naman ang nakikiusap sa kaklase na kung maaari’y gawan siya ng notes.
Pansinin ang kasunod na graft:
Graft 6
    







     Hinggil sa positibong resulta ng pagsali sa Special Program in Sports, labinlimang porsyento (15%) ang nagsabing sila ay nagiging determinado at aktibo sa mga ginagawa; apatnapu’t limang porsyento (45%) ang nagkaroon ng lidership at isportmanship sa bawat larong sinalihan at nakakilala ng mga bagong kaibigan; tatlumpu’t dalawang punto limang porsyento (32.5%) ang nakapagbigay ng karangalan sa sarili, paaralan at lahat ng sumusuporta at pitong punto limang porsyento (7.5%) naman ang nagiging popular dahil sa mga karangalang nasungkit.

Pansinin ang kasunod na graf:
Graf 7

     Sa negatibong epekto naman ng pagsali sa mga isport bilang kabilang sa Special Program in Sports, dalawampu’t tatlong porsyento (23%) ang wala nang panahong pumasok sa klase dahil sa mga paghahanda at praktis kaya nagkakaroon ng mababang marka; tatlong porsyento (3%) ang bumabagsak sa pagsusulit dahil hindi nakakarebyu dahil sa ensayo; tatlumpu’t dalawang porsyento (32%) ang nawawalan ng pokus sa pag–aaral at naaapektuhan ang Akademik Performans at apatnapu’t dalawang porsyento (42%) ang nagkakaroon ng sakit o karamdaman dahil sa pagod.
Pansinin ang kasunod na graf:
Graf 8

     Inalam din ang epekto ng pagiging atleta sa pag–uugali sa loob ng silid–aralan, walong porsyento (8%) ang pumili ng lumalaki ang ulo dahil sa kasikatan; dalawampu’t limang porsyento (28%) ang tinatamad pumasok sa klase dahil alam namang exempted; dalawampu’t limang porsyento (25%) ang nagiging mayabang at minamaliit ang mga kaklase dahil sa Special Treatment sa kanya ng mga guro at apatnapu’t dalawang porsyento (42%) naman ang wala ng interes sa leksyon at naka–pokus na lang sa ensayo’t laro.
Pansinin ang kasunod na graf:
Graf 9
     Sa aspeto naman ng pag–aaral hinggil sa magandang pag-uugali na natutuhan nila sa pagiging atleta at nailalapat nila sa kanilang pag–aaral, tatlumpu’t isang punto isang porsyento (31.1%) ang sa pagiging determinado sa mga hamon sa loob ng silid–aralan at hamon sa buhay; tatlumpu’t tatlong punto tatlong porsyento (33.3%) ang natutong makiangkop sa mga guro at kaklase at sa iba pang tao sa paligid; labing–isang punto isang porsyento (11.1%) ang nagiging mahusay sa paggawa ng teknik at mga paraan at dalawampu’t apat punto limang porsyento(24.5%) ang natutong tumanggap ng pagkabigo.
Pansinin ang kasunod na Graf:
Graf 10









KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
I.      Lagom
     Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang Akademik Performans ng mga piling mag-aaral ng Special Program in Sports sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union Taong Panuruan 2014–2015.
     Gamit ang deskriptiv–analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarvey–kwestyoneyr na pinasagutan sa tatlumpung (30) respondente mula sa Special Program in Sports ng Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union sa Taong Panuruan 2014–2015.
II.    Kongklusyon
Batay sa inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa sumusunod:
a. Ang karaniwang laro na kinabibilangan ng mga mag–aaral sa Special Program in Sports ay mga “Indoor Games” gaya ng basketbol, balibol, badminton at table tennis, at “Outdoor Games” gaya ng sepak takraw, running, long at high jump, fotbol at lawn tennis.

b. Karamihan sa mga respondente ay sumagot  na kaya sila sumali sa Special Program in Sports ay para makakuha ng “Scholarship o benipisyo”.


c. Hinggil naman sa negatibong epekto ng pagsali nila sa mga paligsahan bilang kabilang sa Special Program in Sports, ang mga respondente ay nagkakaroon ng sakit o karamdaman dahil sa pagod.

d. Ang positibong resulta ng pagsali nila sa Special Program in Sports ay ang pagkakaroon ng lidership at isportmanship sa bawat larong sinasalihan at nakakakilala sila ng mga bagong kaibigan.

III.  Rekomendasyon
   Batay sa inilahad na mga kongklusyon, buong kapakumbabang inilalatag ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon:
a. Sa mga nangangasiwa o administrado ng paaralan, magbigay lamang ng mga larong kayang–kaya ng kalusugan ng mga manlalaro at mga yaong hindi sila mapapahamak.
b. Sa mga tagapayo ng mga atleta, mga treynor, at guro, piliing mabuti ang mga estudyanteng isasalang sa laro. Bigyan rin nawa sila ng sapat na oras na mapagtuunan ang kanilang pag–aaral. Huwag rin sana kayong magsawang payuhan at gabayan sila sa kanilang akademik performans o sa kanilang larangan ng laro.
c. Sa mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kanilang mga anak, huwag sanang kalimutang payuhan ang mga anak tungkol sa kanilang mga responsibilidad bilang mag–aaral at atleta.
d. Sa mga mag–aaral, alaming mabuti ang kahinaan at kalakasan. Huwag kalimutan na ang paglalaro ay may limitasyon at dapat i–prayoridad pa rin ang pag–aaral. Balansehing mabuti ang oras sa paglalaro at pagkatuto.
e. Sa mga susunod na mananaliksik, nakatulong man ang pananaliksik na ito sa inyo, kayo’y magsagawa pa rin ng inyong karagdagang pag–aaral at pananaliksik upang mas mapalawig ang kaalaman tungkol sa pag–aaral na ito at upang  mapagtibay ng lubusan ang mga impormasyong natuklasan ng aming isinagawang pag-aaral.


















LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Dumuk, J.(2003). La Union National High School Memoir; 1903-2003.
Dy, T. A. et. (2008). Epekto ng Gawaing Ekstra mula sa http:///www.freeonlinerearchpapers.com/epekto-ng-gawaing-ekstra
Eugenio, A. (2014). Ang kahalagahan ng Sports. Hinango noong ika-24 ng Nobyembre 2015 mula sa http:///pinoygazzetofficial.blogspot.com/2014/03-ang-kahalagahan-ng-isport-nial-eugenio.html
Guidelines on the utilization of Support Fund to Secondary Schools with Special Programs in the Arts and Sports for SY 2013-2014 mula sa http:///www.deped.gov.ph/orders?search_api_viewsfulltext=&page=4&f[o]=fieldclassification%3A38
Haydon, A. (2014). The Importance of Sports  mula sa http:///www.innovatemyschoolcom/industry-expert-articles/items/1063-the-importance-of-sports-in-education.html.
Kirchner, G. (2008). Physical Education for Elementary School Children. Brown Company Publishers.
Luzano, K. (2008). Akademik vs. Atletics mula sa http:///varsitarian.net/sports/academicsvsatheletics
Guillermo, L. (2015). Epekto ng Ektra Curricular Activity mula sa www.lovelyguillermobbc.blogspot.com
Reeve, C. (w.p.). Libangan at Paligsahan mula sa http:///www.christopherreeve.org>site>Libangan-at-Paligsahan
Rimm, S. (2009). Paano makakatulong ang isport sa iyong mga anak mula sa www.sylviarimm.com/article-sports
Katie, W. (2012). The Rate of Sports in Furthering Education mula sa http:///www.lisadunningmft.com./high_school_sports.html

APENDIKS A
Biodata ng Lider ng mga Mananaliksik







Pangalan: Carla Joy T. Flores
Nickname: Kelly
Kaarawan: Ika–1 ng Pebrero, 1999
Gulang: 17 taong gulang
Address: Barangay Puspus,Lungsod ng San Fernando, La Union
Nagtapos sa:  Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union (Regular na klase)
Parangal: Best in Class
Deskripyon: Isang Honor Student. Mahilig magbasa ng mga libro. Isang manunulat ng nobela at tula.










Pangalan: John Ken R. Francisco
Nickname: Ken
Kaarawan: Ika – 15 ng oktubre, 1997
Gulang: 18 taong gulang
Address: Barangay Parian, San Fernando City,La Union
Nagtapos sa: MBC Lily of the Valley – High School Department
Parangal: Class Valedictorian (2014-2015)
Deskripsyon: Competitive at isang leader. Magaling sumayaw, mag-exhibition at kumanta.












Pangalan: Joe Vincent T. Matro
Nickname: Joe o Vince
Kaarawan: Ika – 4 ng oktubre, 1999
Gulang: 17 na taon gulang
Address: Sengngat, Sudipen, La Union
Nagtapos sa: Regional Science High School for Region 1
Parangal: Most Puctual at Top Performing Student in Academic  Excellence
Deskripsyon: Tahimik pero matalino.











Pangalan: Diether H. Salazar
Nickname: Diether
Kaarawan: Ika-13 ng Setyembre 1998
Gulang: 17
Address: Barangay Agtipal, Bacnotan, La Union
Nagtapos sa: St. Anthony Montessori, Bacnotan Campus
Parangal: Top Performing SSG Officer Batch 2015
Deskripsyon: Isang aktibong mag–aaral, mahilig sumayaw at umawit. Magaling rin siyang gumaya ng isang karakter. Isa rin siyang magaling na ispiker sa Filipino.










Pangalan: Aniway S. Seb-at
Nickname: Annie
Kaarawan: Ika-27 ng Setyembre 1998
Gulang: 17 taong gulang
Address: Barangay Patiacan, Lungsod ng Quirino, Ilocos Sur
Nagtapos sa: Mataas na Paaralan ng Quirino
Parangal: Most Punctual at isa sa mga active student leader
Deskripsyon: Mahilig Kumain, Mahilig makinig ng musika at isang aktibong mag – aaral.












Pangalan: Kaye Tien I. Uson
Nickname: Kaye
Kaarawan: ika-11 ng Setyembre 1998
Gulang: 17 taong gulang
Address: Mangaldan, Pangasinan
Nagtapos sa: David National High School – Mangaldan Pangasinan
Parangal: Best in Sport
Deskripsyon: Mahilig magbasa ng mga libro, Magaling rin sa pagluluto ng mga Filipino Dishes at sa larangan ng Isport.



APENDIKS B
Enero 20, 2016
Ginang Madeline O. Corpuz
Punong Guro
Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union

Mahal naming Punong Guro,

Isang mainit na pagbati mula sa aming mga luwisyano!

     Kami po ay mga mag-aaral na nasa Unang Taon ng Kursong Bachelor in Secondary Education na nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang “Akademik Performans ng mga mag-aaral sa Special Program in Sports ng Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union Taong Panuruan 2014-2015” na isang kahingian sa kursong Filipino 2.

     Kaugnay nito, maaari po ba naming mahingi ang iyong  pagsang-ayon at patnubay na kami ay magsagawa ng survey sa iyong mga mag-aaral na naging bahagi ng Special Program in Sports Taoong Panuruan 2014-2015 upang makakalap ng mga impormasyong lubos na makakatulong sa ikagaganda ng aming pananaliksik. Ang pagpayag niyo at ang panahong inyong igagawad ay lubos na makakatulong sa amin.

     Kalakip po ng liham na ito ang mga tanong sa aming pananaliksik na aming ibibigay sa inyong mga mag-aaral. Maraming salamat po at nawa’y makamit namin ang positibong tugon ninyo kaugnay ng kahilingang ito.

Lubos na gumagalang,

Carla Joy Flores
Lider ng Grupo

Binigyang pansin ni :

G. William P. Nucasa
Instruktor, Filipino II




APENDIKS C
Mahal naming respondente,
Pagbati!

          Kami ay mga mag-aaral ng Filipino 2 sa Kolehiyo ng San Luis na kasalukuyang gumagawa ng isang pag-aaral hinggil sa Akademik Performans ng mga Piling Mag-aaral sa Special Program in Sports sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union Taong Panuruan 2014-2015.
          Kaugnay nito, naghanda kami ng kwestyoner upang makapangalap ng datos na kailangan namin sa aming pananaliksik.
          Mangyaring pakisagutan nang buong katapatan ang sumusunod na aytem. Tinitiyak naming maging konfidensyal na impormasyon ang anumang tugon namin sa inyo.

Maraming Salamat!
-   Mga Mananaliksik


________________________________________________________________
Akademik Performans ng mga mag-aaral ng Special Program in Sports ng Pambansang Mataas Paaralan ng La Union Taong Panuruan 2014-2015
Pangalan:_____________________ Taon & Seksyon:____________
Direkyon: Lagyan ng tsek (Ö) ang kahon na tumutugon sa iyong sagot. Maaaring pumili ng higit sa isa.

1. Alin / Alin – Alin sa mga sumunsunod a ng nilalahukan mong ga isports?
        Games outdoor (high jump, long jump, sepak takraw, football, lawn Tennis, baseball, running, atbp.)
       Indoor games (basketball, volleyball, badminton, boxing, taekwondo, table tennis, atbp.)
       Throwing Games (Shotput, discuss throw, javelin throw, atbp.)
       Board Games (Chess, scrabble, game of the general, atbp.)

2. Ano / Ano – Ano ang madalas na naapektuhan sa paglalaro mo ng isport?
       Pagpasok sa silid – aralan/attendance
       Paggawa ng mga asayment at proyekto
       Pagrerebyu para sa isang pagsusulit
       Lahat ng nabanggit
3. Ano / Ano – Ano ang mga dahilan mo sa pagsali ng isport sa iyong paaralan?
       Para makakuha ng scholarship o benepisyo
       Para may karagdagang puntos sa guro dahil ika’y atleta
       Para may mapaglibangan o pampalipas ng oras
       Upang maging kilala o popular sa paaralan
4. Ano / Ano – Anong uri palaro ka nagiging kabilang?
       Intramurals
       Palarong Panlunsod
       Palarong Panrelihiyon
       Palarong Pambansa

5. Ano / Ano – Ano ang iyong kalimitang dahilan sa hindi pagpasok sa iyong silid – aralan?
       Dahil may pag-eensayo at paghahanda sa darating na kompetisyon o aktibidad sa paaralan.
       Komplikado ang schedule
       Tinatamad o nawawalan ng gana pumasok sa klase dahil pagod sa pag- eensayo.
       Nahuhuli sa klase dahil sa mga praktis at miting kaya di na pumapasok pa sa silid – aralan.


6. Ano/ Anu - Ano ang iyong isinasagawa upang makahabol ka sa mga leksyon sa klase?
       Lumalapit sa guro
       Nagtatanong sa mga klase
       Nagsasagawa ng sariling pananaliksik tungkol sa leksyon.
       Lahat ng nabanggit
7. Ano/ Anu – Ano ang positibong resulta sa iyong pagsali sa Special Program in Sports?
       Naging determinado at aktibo sa mga ginagawa.
       Nagkaroon ng leadership at sportsmanship sa bawat larong sinasalihan at nakakakilala ng mga bagong kaibigan.
       Nakapagbigay karangalan saating sarili, paaralan at lahat ng sumusporta.
       Naging Popular sa lahat ng karangalan
8. Ano/ Anu – Ano ang negatibong epekto sa pagsali ng isport sa Special Program in Sports
       Wala nang panahong pumasok sa klase dahil sa mga paghahanda at praktis kaya nagkakaroon ng mababang marka.
       Bumabaksak sa pagsusulit dahil hindi nakapagrerebyu dahil sa mga ensayo.
       Nawawalan ng pokus sa pag-aaral at naapektuhan ang akademik Performans.
       Nagkakaroon ng sakit o karamdaman  dahil sa pagod.
9. Ano/ Anu – Ano ang negatibong epekto ng iyong pagiging atleta sa pag-uugali mo sa loob ng silid – aralan?
       Lumalaki ang ulo dahil sa kasikatan.
       Tinatamad pumasok sa klase dahil alam naming exemted.
       Nagiging mayabang at minamaliit ang mga kaklase dahil may Special Treatment sa kanya ang mga guro.
       Lahat ng Nabanggit
10.          Bilang isang mag-aaral na kabilang sa Special Program in Sports, Anong magandang pag-uugali ang natutuhan mo sa pagiging isang atleta na nailalapat mo sa iyong pag-aaral?
       Mahusay gumawa ng teknik o paraan
       Marunong tumanggap ng pagkabigo
       Marunong makiangkop sa mga guro, kaklase at sa iba pang tao sa paligid (Pakikipagkapwa – tao.
       Pagiging determinado sa mga hamon sa loob ng silid – aralan at sa mga hamon ng tunay sa buhay.





















APENDIKS D
Ebolusyon ng Pamagat ng Pananaliksik

1. Kamalayan at pagtugon ng mga estudyante ng Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union sa Palatuntunan ng Disiplina.
2. Sikolohikal na epekto ng mga gadgets at paggamit ng internet sa mga estudyante ng hayskul sa kolehiyo ng San Luis.
3. Pagtuturo ng Kursong Katutubong Wika ng mga Ilokano sa mga mag-aaral sa unang baitang sa Mababang Paaralan ng Timog Sentral ng San Fernando, La Union.
4. Akademik Performans ng mga mag-aaral ng Special Program in Sports sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union Taong Panuruan 2014 – 2015
5. Akademik Performans ng mga piling mag-aaral ng Special Program in Sports sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union Taong Panuruan 2014 – 2015























22 comments:

  1. Hi Mr.Francisco.nais ko po sanang huminge ng pahintulot saiyo.Kung pwedeng gamitin ko ang iyong pamanahong papel sa aming pananaliksik na gagawin.. Hihintayin ko po ang iyong tugon.Salamat po

    ReplyDelete
  2. Hi Mr.Francisco.nais ko po sanang huminge ng pahintulot saiyo.Kung pwedeng gamitin ko ang iyong pamanahong papel sa aming pananaliksik na gagawin.. Hihintayin ko po ang iyong tugon.Salamat po

    ReplyDelete
  3. Hi Mr.Francisco.nais ko po sanang huminge ng pahintulot saiyo.Kung pwedeng gamitin ko ang iyong pamanahong papel sa aming pananaliksik na gagawin.. Hihintayin ko po ang iyong tugon.Salamat po

    ReplyDelete
  4. Nais ko rin pong hinginn ang inyong pahintulot kung maaari ko ding magamit ang inyong pamanahong papelpara sa aking pananaliksik..

    ReplyDelete
  5. nais ko pong sana na hingiin ang inyong pahintulot na gamitin ang inyong pamanahong papel para po sa aming pananaliksik naway pumayag po kayo salamat po

    ReplyDelete
  6. magandang bati po sa inyo nais ko po sanang humingi ng pahintulot na gamitin ang inyong pamanahong papel para po sa aming pananaliksik sanay payagan nyo po ako maraming salamat... -Peter

    ReplyDelete
  7. Magandang araw po! Nais ko lamang po huminge ng inyong pahintulot na kung mamari po bang magamit ang inyong pamanahong papel sa aming isanasagawang pananaliksik makakaasa po kayong ito ay gagamitin lamang po namin sa aming isinasagawang pag-aaral.Salamat po!:-)

    ReplyDelete
  8. magandang araw po . nais ko pong humingi ng pahintulot mula sa iyo na kung maari ko po magamit ang iyong pananaliksik para sa ginagawa po naming pananaliksik ngayon. alam ko po na makakatulong po ito ng malaki sa aming pagaaral. makakaasa po kayo na gagamitin lamang namin ito sa aming pagaaral. maraming salamat po- Diorella Vitug

    ReplyDelete
  9. Nais ko rin pong hinginn ang inyong pahintulot kung maaari ko ding magamit ang inyong pamanahong papelpara sa aking pananaliksik..

    ReplyDelete
  10. Nais ko ong hiramin itong pananaliksik nyo

    ReplyDelete
  11. Magandang Gabi po!Mr.Francisco nais lang po sana naming gamitin ang iyong gawa para sa aming thesis sapagkat napaka ganda po ng inyong gawa Maraming Salamat po!

    ReplyDelete
  12. Magandang araw po nais ko po sanang hingin ang inyong pahintulot na maging batayan po namin ang inyong pamanahong papel para sa aming gagawing pamanahong papel

    ReplyDelete
  13. Gd evenin po owedi ko pa ba makuha ang pamanahong papel sa inyo para sa thesis aa Filipino

    ReplyDelete
  14. Magandang Gabi po!Mr.Francisco nais lang po sana naming gamitin ang iyong gawa para sa aming thesis sapagkat napaka ganda po ng inyong gawa Maraming Salamat po

    ReplyDelete
  15. Magandang araw po Mr.Francisco, nais ko po sanang gamitin ang iyong pananaliksik para sa banyagang pag aaral sa aming thesis. Maraming salamat po ulit Sir.

    ReplyDelete
  16. Magandang araw po ginoong Francisco, nais ko po sanang hingin ang iyong pahintulot na ang iyong ginawang pamanahong papel ay aking gagawing basehan sa gagawin kong pananaliksik.

    ReplyDelete
  17. magandang tanghali po ginoong francisco nais ko pong humingi ng pahintulot upang kumuha ng ilang impormasyon sa inyong pananaliksik

    ReplyDelete
  18. Magandang gabi po Ginoong Francisco, nais ko po sanang gamitin ang iyong pamanahong papel para sa aking pananaliksik.
    Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  19. Magandang araw sa iyo Ginoo. Nais sana naming gamitin ang inyong papel para sa aming pananaliksik. Salamat !

    ReplyDelete
  20. Magandang araw po Ginoong Francisco, nais sana naming gamitin ang iyong papel para sa aming pananaliksik.
    Maraming salamat po.😊

    ReplyDelete
  21. Magandang araw po Ginoong Francisco, nais ko po sanang ipaalam na gamitin ang iyong papel para sa aming pananaliksik.
    Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  22. Magandang araw po Gino, naka kopo mag paalam at vitamin ang inyong papel para sa among pananaliksik, maraming salamat po

    ReplyDelete